Naging passer sa robotics contest (may at least 80% na score) ang dalawang estudyante na pambato ng Pangasinan na pawang mula sa Bayambang National High School sa ginanap na 2023 National IT Challenge for Youth with Disabilities sa Maynila noong June 26-27, 2023.
Matatandaang sina Renz Baring at Mark John Reynosa ay naging national qualifiers sa naturang I.T. Challenge, at dahil dito, sila ay inisponsoran ng Munisipyo upang sumabak sa laban sa national level kasama ang kanilang coaches na sina Mr. Raffy Carungay at Ms. Angelus Ferrer at Local Youth Development Officer Johnson R. Abalos.
May 30 estudyante mula sa 16 LGUs nationwide ang nagtagisan sa patimpalak na ito ng National Council on Disability Affairs, kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Youth Commission (NYC), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).