Sumabak sa isang bagong seminar ang lahat ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) members, ang “Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Councils (SICAP-BADAC 2.0),” na inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office sa pamumuno ni Bayambang MLGOO Royolita Rosario. Ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong May 11, at 12.
Ang seminar ay dinaluhan nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Councilor Martin Terrado II, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, at nilahukan ng mga miyembro ng BADAC mula sa 77 barangays ng Bayambang, na kinabibilangan ng mga kapitan, barangay kagawad, at barangay secretary.
Mensahe si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, “I think one of the best ways na masolusyonan at malabanan ang droga na proven effective ay ang pagpapalawig ng sports sa ating bayan. Kaya isinusulong ng ating Sports Council ang physical fitness (sa ating mga mamamayan). I think we need to involve the schools and the community — let’s keep them active, and we have to provide them an alternative way of living.
Kabilang sa mga naatasang maging resource speaker sa unang araw ay sina Bani, Pangasinan LGOO VI Amily Dulay, PDEA Pangasinan Provincial Team Leader, Agent Mary Jean Botes, kasama si Agent Glaiza A. Jumawan, at Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo.
Sa ikalawang araw naman ay nakatakdang magsalita sina Sto. Tomas, Pangasinan LGOO VI Malou Ortiz, PLtCol Rommel Bagsic ng PNP-Bayambang, MSWDO staff Josie E. Niverba, at representante ng DepEd-Bayambang District I, Ms. Maila Justo.
Tinalakay sa seminar ang sitwasyon ng droga sa buong bansa, ang implementation ng drug-free workplace policies, ang tugon ng DOH sa drug prevention and control sa gitna ng pandemya, ang impact ng COVID-19 sa drug abuse, ang mga programang Anti-Ilegal Drugs Prevention through Reinforcement and Education (ADORE), Strengthening Preventive Drug Education, at Yakap Bayan, pati na ang resource mobilization and planning.
Layunin ng talakayang ito ang magbigay kaalaman sa mga barangay officials sa maaari nilang maging aksyon kung sakaling may mahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan. Isa rin itong paraan upang sila ay magkaroon ng kaalaman at maging alerto tungkol sa posibleng maging epekto ng droga sa tao.