Ang mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng bayan ng Bayambang ay umattend sa isang “Training-Workshop sa Effective Barangay Governance,” kasabay ang benchmarking activity ng mga best practices ng Tagaytay City government. Ang aktibidad ay nagsimula noong ika-17 ng Mayo at nakatakdang matapos sa Mayo 19 sa Summit Ridge Hotel and Convention Center, Tagaytay City.
Ito ay dinaluhan ng 77 Punong Barangay sa pag-oorganisa ni Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, kasama sina OIC DILG Regional Director Agnes A. de Leon, DILG Cluster Head/LGOO VII Melinda M. Buada, DILG Tayug OIC MLGOO/LGOO V Arianne Peralta, MLGOO-Bayambang Royolita Rosario, at OIC-MPDC Ma-lene Torio bilang mga panauhing tagapagsalita.
Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang Seal of Good Local Governance (SGLG), RA 11292, Strategic Barangay Development Planning, Effective Barangay Governance, Local Legislations, Leadership Excellence, Gender and Development, atbp.
Ayon sa Secretary ng LNB, Sergio delos Santos, ang seminar na ito ay naglalayong mahasa at mapaghusay ang kaalaman at kakayahan ng mga Punong Barangay sa larangan ng good governance sa kanilang mga nasasakupan.
(Photos: Sergio delos Santos)