Bayambang MDRRMC, Nagtawag ng Emergency Meeting ukol sa Typhoon ‘Mawar’

Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ng ating MDRRM Chairman, Mayor Niña Jose-Quiambao, at Vice Mayor Ian Camille Sabangan ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA noong ika-25 ng Mayo taong 2023 sa Mayor’s Conference Room at via Zoom.

 

Tinalakay ni LDRRMO Genevieve Napier Uy-Benebe, MDRRM Council Secretariat, ang trajectory at intensity forecast ng bagyo. Ibinahagi rin ang mga naging aksyon ng MDRRMC tulad ng pagconvene sa LDRRMC, koordinasyon at monitoring sa mga partner agency, stakeholders, at BDRRMC, close monitoring sa PAGASA, Windy, at Hazard Hunter, at paghahanda ng mga rescue vehicles at equipment.

 

Ibinahagi rin nina PLt Mark Anthony Camat ng PNP, SF01 Lopez ng BFP, Dr. Paz Vallo, Dr. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya ng mga RHU, Kimberly Basco ng MSWDO, at MENRO Joseph Anthony Quinto at Eduardo Angeles Jr. ng ESWMO ang kanilang mga preparasyon para sa parating na bagyo at sinigurado na available ang mga manpower at equipment na maaaring kailanganin.

 

Naibahagi rin ni MAO OIC Zyra Orpiano na ang ulan ay nakakatulong sa mga pananim ngunit ang hangin ang maaring makakasira sa mga ito.

Bukod sa mga nabanggit, ang PDRA ay dinaluhan din nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Chief Executive Assistant Carmela Atienza-Santillan, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, MLGOO Royolita Rosario, SF01 Christian S. Lopez ng BFP, Ret. Col. Leonardo Solomon ng BPSO, Dr. Rafael Saygo ng MTCAO, CENPELCO General Manager Alvin Dela Cruz, Engr. Rustom Saringan ng Engineering Office, at iba pang representante at miyembro ng MDRRMC.

 

Muling pinaalalahanan ang lahat na maging handa sa posibleng maging epekto ng bagyo.