ONGOING: Accreditation ng Municipal Hatchery

Ang Bayambang Municipal Hatchery sa Brgy. Langiran ay kasalukuyang sumasailalim sa accreditation activity ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 at Provincial Fisheries Office, ayon sa ulat ng MAO at BPRAT noong May 12.

 

Ayon sa BPRAT, ang BFAR accreditation ay magsisilbing guarantee ng kalidad ng fingerling production ng pasilidad.

 

Sa oras na maaccredit ang Municipal Hatchery, maaari rin itong magsupply ng karadagang fingerlings hindi lamang para sa local fisherfolk kundi maging sa mga proyektong nakaangkla sa BFAR.