Inirangan, “Cleanest Barangay” sa Buwan ng Abril; Carungay, “Most Improved Barangay”

Matapos ang evaluation ng Bali-Balin Bayambang team para sa buwan ng Abril 2023, nagwagi ang Brgy. Inirangan bilang pinakamalinis na barangay sa bayan ng Bayambang, anunsyo ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Joseph Anthony F. Quinto ngayong araw, March 22.

 

Bilang ganti sa kanilang pagpupursige sa pamumuno ni Punong Barangay Jonathan Espejo, at sa suporta ng kabiyak nitong si Gng. Jocelyn S. Espejo, ang Inirangan ay nakatanggap ng P25,000, na iniaward sa Balon Bayambang Events Center matapos ang flag ceremony.

 

Ang cash prize ay donasyon nina Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao at ama nitong si G. Philip Jose.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng pagkilala ang Brgy. Carungay bilang “Most Improved Barangay,” at nabanggit ni G. Quinto na, “the transformation was so great.”

 

Narito ang listahan ng mga nagwaging pinakamalinis na barangay kada distrito sa Bayambang para sa buwan ng Abril 2023:

District 1 – Ambayat 1st

District 2 – Bongato West

District 3 – Sancagulis

District 4 – Apalen

District 5 – Inirangan

District 6 – Tococ East

District 7 – Bani

District 8 – Buenlag 2nd

District 9 – Poblacion Sur

Most Improved Barangay – Carungay

Grand Winner – Inirangan