Iba’t-Ibang Proyekto at Isyu, Tinalakay sa ManCom Meeting

Sa isang tipikal na quarterly Management Committee meeting, kung saan pinupulong ng isang Local Chief Executive ang lahat ng department at unit head, pati na ang mga consultant, tinatalakay ang lahat ng pinakamalalaking proyekto at isyu sa LGU.

 

Sa ManCom Meeting na pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at inorganisa ng MPDC at Mayor’s Office noong May 3, 2023 sa Niña’s Cafe, kabilang sa mga naging agenda ang Public Cemetery feasibility study, LGU Ville, Mangabul, Bayambang Central School case, Magsaysay lots case, septage project, DA-WB-PRDP-LGU construction, Slaughterhouse, 98 warehouses project, DA at DPWH grant applications, Yellow Building demolition, rebyu ng ambulance usage policy, Matalunggaring Awards Selection Board, SGLG 2023, revenue target, at asset inventory kabilang na ang mga milyun-milyong pisong donasyon ng pamilya Quiambao (buildings, road networks, solar dryers, etc.), bukod pa sa mga internal LGU matters.