Nagpulong ang Board of Trustees ng Bayambang Polytechnic College (BPC) noong ika-10 ng Mayo sa Mayor’s Conference Room, upang alamin ang updates ukol sa iba’t ibang aktibidad ng paaralan, estado ng enrolment, at koleksyon nito. Nagkaroon din ng presentasyon ng accomplishments, requirements para sa institutional recognition, at request para sa Board Resolution ukol sa aplikasyon ng kolehiyo bilang isang TESDA Assessment Center.
Ito ay upang masigurong nasa maayos ang takbo ng paaralan at maging matagumpay ang goals and objectives nito bilang pangunahing sandata sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ng founder ng BPC na si former Mayor at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, Mayor Niña Jose-Quiambao, at BPC President, Dr. Rafael Limueco Saygo.