Nagsagawa ng Career Guidance and Employment Coaching event ang Municipal Employment Services Office (MESO) sa pangunguna ni MES Officer Gernalyn Santos para sa mga Grade 12 students noong Abril 28, sa Balon Bayambang Events Center.
Dito tinalakay ng resource speaker na si Panfilo Dioquino Jr., LEO III ng DOLE, ang iba’t ibang paksa, kabilang na kung paano gumawa ng resume; ano ang gagawin bago, habang, at pagkatapos ng job interview; ano ang gagawin kapag nakuha sa trabaho; at marami pang iba.
Sa programa ay nagbigay ng inspirasyunal na mensahe si G. Mark Espino bilang kinatawan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.