Unang Anibersaryo ng E-Agro, Ipinagdiwang

“Ang panaginip ko para sa E-Agro na kung tayo ay nagkakaisa, tayo rin ay sama-samang uunlad… Ito ay unti-unti nang natutupad sapagkat kasabay ng paglunsad ng E-Agro system na isang tulay tungo sa inyong pag-asenso ay marapat na maging digital na tayo para sa technological advancement ng ating bansa.”

 

Ito ang mga katagang binigkas ni E-Agro Chairman, Dr. Cezar T. Quiambao, sa selebrasyon ng unang anibersaryo ng E-Agro Software Development Corporation ngayong araw, April 26, na ginanap sa Balon Bayambang Events Center.

 

Ang selebrasyong ito ay binuksan ng isang blessing at ribbon-cutting ceremony sa kanilang opisina sa 3rd Floor ng Royal Mall, at sinundan ng banal na misa na pinangunahan ng kura paroko ng St. Vincent Ferrer Parish Church, Fr. Reydentor Mejia.

 

Sa programa sa Events Center, nagbigay ng pasasalamat ang tatlong naging benipisyaryo ng E-Agro dahil sa system na ito anila naging maginhawa ang kanilang buhay magsasaka dahil sa pagliit ng interes ng kanilang loan at mas magaan na loan payment scheme.

 

Panapos na mensahe ni E-Agro President Jorge Yulo, “Gusto po nating lumabas at palawakin ang E-Agro para madami pa tayong matulungang magsasaka hindi lamang sa Bayambang kundi pati sa buong Pangasinan. Hindi po tayo titigil sa ating ginagawa hangga’t matupad ang pangarap na maiangat ang buhay ng ating mga magsasaka.”

 

Naroon bilang panauhing pandangal sina PCIC Regional Mananger II Raul Servito, representante ng PhilRice, at ang iba’t ibang agricultural at fuel suppliers, pati na rin ang mga magsasakang miyembro ng E-Agro.

 

Sa dulo ng programa, nagkaroon ng dove releasing ceremony na sumisimbolo sa katatagan ng E-Agro para sa mas marami pang taon. Naghatid kagalakan sa programa ang pagkakaroon ng isang raffle draw bilang surpresa para sa mga farmers kung saan sila ay tumanggap ng samu’t-saring papremyo na kanilang puwedeng magamit sa pagsasaka.