Dietary Supplementation Program ng Nutrition Office, Nagpatuloy

Noong April 26, muling nagpamahagi ang Municipal Nutrition Action Office ng dietary supplementation packs para sa mga nakalistang undernourished children at pati na rin sa ilang mga anak ng mga miyembro ng 4Ps.

 

Mayroong kabuuang 500 na 6- 59-month-old na mga bata ang beneficiaries ng panibagong bugsong ito ng Dietary Supplementation Program ng MNAO.

 

Ang bawat isa ay nakatanggap ng isang paketeng naglalaman ng 2 kg white rice, 8 piraso ng itlog, ½ kilo brown sugar, 2 sachet (40 ml) ng vegetable cooking oil, 2 pakete ng assorted cupcakes/biscuits, 2 cups ng munggo, 4 piraso ng mansanas o orange, at 2 piraso ng kalabasa — na inaasahang sapat sa loob ng dalawang buwang feeding cycle.