Noong Abril 25, nagsimula ang tatlong araw na training ng mga pinuno at staff ng mga Rural Health Units para sa paggamit ng iClinicSys. Ginanap ang training sa Mayor’s Conference Room, at nagsilbing lecturer sina Gregorio Ninobla, Jerome Renz Dulay, at Adriana Michel Hufano mula sa DOH.
May kabuuang 27 katao ang lumahok sa training, 8 mula sa RHU I, 11 mula sa RHU II, at 8 mula sa RHU III, kabilang ang mga duktor, nurse, midwife, medical technologist, at IT staff.
Ang iClynicSys ay isang uri ng electronic medical record system na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pasyente para sa mabilis at madaling sistematikong pag-record, pag-profile, at pag-retrieve ng data ukol sa pasyente.