Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights

Noong March 9 at April 25 , ang MSWDO ay nagtungo sa Barangay Bical Sur, Sancagulis, Pangdel at Darawey para magsagawa ng Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights.

Ang aktibidad ay makatutulong sa mga kalahok na madagdagan ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang karapatan na makatutulong sa pagtataguyod ng kapakanan at pagprotekta sa kababaihan at mga bata sa kanilang barangay.
Tinalakay nina Atty. Glee-ce Macaranas Basco, Public Attorney III, Atty. Jet Mark Ortiz at Atty. Glamour John Tulagan, mula sa Public Attorney’s Office (PAO),

San Carlos City ang RA 11313 o kilala rin bilang Safe Spaces Act of 2019.
Tinalakay dito ang iba’t ibang uri ng sekswal na karahasan laban sa kababaihan at kabataan. Kalakip nito ang iba’t ibang parusa sa pagsasagawa ng nasabing gawain, at kung ano ang maaaring gawin ng mga opisyal ng barangay upang maiwasan ang nasabing karahasan.

Tinalakay din ang paksa ng child custody, kabilang ang mga paraan at posibleng solusyon para magkaroon ng magandang pagkakaunawaan ang mga magulang.
Sa kabuaan ay may 160 na participants ang umattend sa nasabing aktibidad.