Noong April 24, inimbitahan ng LGU ang mga tenant ng Yellow Building sa Public Market upang pag-usapan ang desisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa naturang property.
Sa pulong na ginanap sa Balon Bayambang Events Center, ipinaalam sa mga tenant na kailangan nang idemolish ng LGU ang Yellow Bldg. dahil:
- ang lupang kinatatayuan ng gusali ay pagmamay-ari ng LGU,
- ang naturang gusali ay itinayo nang walang kinauukulang Building Permit, at
- hanggang sa ngayon, walang nakakaalam kung sino ang may-ari nito at wala ring umaangkin dito.
Ang mga tenant ay binigyan ng mga opsyon sa harap ng napipintong demolisyon.
Kasama sa pulong sina Dr. Rafael Saygo bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao; OIC SEE head, Atty. Melinda Rose Fernandez; Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr.; at mga kinatawan ng Municipal Treasurer at Engineer.