Dredging Operation, Nagsimula na sa Langiran Lake

Noong April 24, nagsimula nang mag-dredge sa Langiran Lake ang Agriculture Office sa tulong ng Provincial Engineering Office at Municipal Engineering Office.

Ayon sa head ng Fishery Banner ng MAO na si Marlon Castillo, ang pagdedredge ay makatutulong upang i-reset ang life cycle ng isang body of water. Kabilang sa maraming benepisyo nito ang pagpapataas ng volume at lalim ng isang lawa, pag-alis ng mga debris at mga halamang malalim ang ugat, at pagtanggal ng mga nutrient-laden na sediment na nagiging sanhi ng water pollution. Nakatutulong din ito upang maibalik ang kapasidad ng lawa sa pagpigil sa tubig-bagyo, pagbutihin ang kalidad at kalinawan ng tubig, at maglikha ng balanseng ecosystem para sa mga aquatic na halaman at wildlife.

 

Ang dredging operation ay nakatakdang magtagal ng dalawang buwan bago makumpleto.