Committee Hearing, Isinagawa para sa Annual Budget at AIP ng SK at Barangay

Noong ika-20 ng Abril, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng isang committee hearing ukol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng Sangguniang Kabataan at mga barangay para sa Calendar Year 2023, at ito ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.

Dito ay inilatag ng bawat SK Chairperson, Punong Barangay at ng kanilang mga miyembro ang kanya-kanyang budget at iba’t ibang prayoridad na programa at proyekto para sa kanilang nasasakupan.

Ang pagdinig ay pinangunahan ni Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Coun. Philip R. Dumalanta, Committee on Youth and Development Chairman, Coun. Gabriel Tristan P. Fernandez, at Committee on Rules, Laws and Ordinances Chairman, Coun. Amory M. Junio.

Naroon din sina Liga ng mga Barangay President, Rodelito F. Bautista, Coun. Benjie de Vera, at SB Legal Counsel, Atty. Czarina Martinez-de Vera.