Tuluy-tuloy ang Assessor’s Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istraktura, mapa-residential man o commercial building.
Noong April 17, 18, 2023, ang team ni Gng. Annie de Leon ay umikot sa Brgy. Manambong Parte, Nalsian Sur, at Tatarac.
Ipinapaalam ng Assessor’s team sa mga ating kababayan na kailangan nilang magbayad ng amilyar ayon sa batas, hindi lang para sa mga commercial building, kundi pati na rin sa mga residential building (with exceptions), dahil sa real estate tax nanggagaling ang kita o revenue ng Munisipyo upang may pangtustos sa lahat ng development projects ng lokal na pamahalaan.
Sa ganitong paraan, ang bawat residente ay may ambag sa kaunlaran ng bayan.