Health IEC ng RHU, Tuluy-Tuloy

Nagpapatuloy ang RHU I sa kanilang information drive ukol sa rabies at iba pang notifiable diseases kabilang ang dengue, leptospirosis, at COVID-19 sa iba’t ibang mga barangay upang makaiwas ang publiko sa mga ito. Noong Abril 17, sila ay nagpunta sa Brgy. Balaybuaya, Beleng, at Macayocayo kung saan sa kabuuan ay may 146 na participants.