Tunay na walang humpay ang administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga Bayambangueño sa mga barangay na malahyo sa sentro ng bayan. Kaya ang buong team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 6 ay tumungo ngayong ika-14 ng Abril sa Bascos-Manambong Parte Elementary School (BMPES) upang pagsilbihan ang mga residente ng Brgy. Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte.
Kapit-bisig namang sinalubong ang buong KSB team nina Puong Barangay (PB) Romeo Macaraeg (Manambong Parte), PB Alain Lacerna (Manambong Sur), at BMPES Principal Lily Luz Corpuz, kasama ang lahat ng mga guro, BHWs, CVOs at mga volunteer.
Naroon upang bumati sa maikling programa sina Mayor Niña Jose-Quiambao (gamit ang AVP), Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Coun. Martin Terrado II, Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, Coun. Philip Dumalanta, at ang always supportive KKSBFI COO na si Romyl Junio.
Sa AVP ni Mayora Niña, kanyang inanunsyo na magkakaroon ng magandang oportunidad ang bawat isa sa mga susunod na ilulunsad na proyekto ng Munisipyo.
Aniya, “You all deserve to live life comfortably. Nais namin na ang lahat, lalo na ang kabataan, ay may layang tuparin ang kanilang mga pangarap.”