Inanunsyo ng Municipal Motorpool ang pagtatapos ng kanilang mga OJT sa Automotive Servicing NC I at NC II noong nakalipas na linggo, kung saan naging trainor ang mga mekaniko ng Motorpool.
Kaagad naman nilang tinanggap ang bago na namang batch ng estudyante na sasailalim naman sa 10-day hands-on work immersion sa Shield Metal Arc Welding o SMAW.