Serye ng Budget Hearing para sa SK at Barangay, Naging Matagumpay

Matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng isang serye ng pagdinig ukol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng Sangguniang Kabataan at lahat ng barangay para sa Calendar Year 2023. Dito ay inilatag ng bawat Punong Barangay at Sangguniang Kabataan ang kanya-kanyang plano at programa para sa kanilang nasasakupang barangay, at sinuri ng SB ang merito ng mga natural budgetary appropriations.