Patuloy ang Municipal Assessor’s Office sa pag-conduct ng survey at pag-inspeksyon para sa mga bagong naitayong istraktura, mapa-residential man o commercial building.
Kabilang sa mga pinuntahan ng team ay ang proposed warehouse (cold storage facility) sa Brgy. Nalsian Sur, fuel station sa Brgy. Tatarac, proposed rice mill sa Brgy. Tanolong, at LGU-Bayambang-BayWad Septage plant site sa MRF Complex sa Brgy. Telbang.
Nagsagawa rin sila ng ocular inspection sa Langiran Lake fishery project kasama ang DENR Team.
Sa pamamagitan nito ay nasisiguro ng mga may-ari ng lupa at establisimyento na sila ay nakasusunod sa pagbabayad ng amilyar na tugma sa kaukulang halaga na nakasaad sa batas.