ESWMO IEC sa mga Barangay Assembly, Nagpatuloy

 

Tuluy-tuloy ang ESWMO sa information drive nito ukol sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa mga barangay.

 

Nagtungo si MENRO Joseph Anthony F. Quinto bilang resource speaker sa Ligue Barangay Assembly Day noong March 26, Barangay Ligue Plaza, kung saan umattend ang Punong Barangay, Barangay Council, ang mga mamamayan ng Brgy. Ligue.

 

Naroon din ang PNP para talakayin ang Peace and Order, BFP para talakayin ang Fire Safety, Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, para maghatid ng impormasyon ukol sa health concerns, at DILG upang talakayin ang concern ng barangay kaugnay ng mga requirements ng ahensya.

 

Ang team ay nagtungo naman sa Brgy. Amanperez noong March 25, at sa Tococ East, Sanlibo, at Bical Sur noong March 26.