Noong March 24, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 ay ginanap sa Ambayat Integrated School (AIS) upang mailapit sa Distrito I ang mga serbisyo mula sa Munisipyo. Dumayo ang buong team ng KSB Year 6 sa Brgy. Ambayat 2nd para sa mga residente ng Ambayat 1st at Ambayat 2nd, kaya sila ay malugod na tinanggap nina Ambayat 2nd Punong Barangay Maximiano Basilio Jr. at AIS Principal Nancy Gutierrez kasama ang mga guro, residente, barangay officials, CVOs, BHWs, at volunteers.
Sa event ay dumalo ang mga Municipal Councilor na sina Hon. Jose Ramos, Hon. Martin Terrado II, Hon. Amory Junio, at Hon. Philip Dumalanta, at buong suporta naman si KKSBFI Chief Operations Officer Romyl Junio.
Sa kanyang AVP message, hinikayat ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang lahat na makiisa ng buong puso sa pagsuporta sa lahat ng programa ng Team Quiambao-Sabangan 2.0 laban sa kahirapan.