Noong ika-24 ng Marso, nagbigay ang BIR ng Tax Seminar para sa mga Job Order employees ng LGU, at ito ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa pangunguna ni Ms. Delia Lapeña, BIR Group Supervisor.
Naging resource persons naman ang mga Revenue Officer na sina Ms. Annaiza Ballesteros, Ms. Katherine Soriano, at Ms. Rizalyn Palisoc.
Sa seminar, ipinaliwanag sa bawat JOs kung paano ang registration process at requirements sa Annual Income Tax na kailangang isumite sa BIR Office at kung ano ang basehan ng pagpataw ng buwis sa sinusweldo ng isang kawaning may JO hiring status.