Noong March 23, binisita ni Mayor Niña Jose Quiambao ang payout activity ng Local School Board para sa financial assistance para sa isang libong locally enrolled college students. Ito ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa tulong ng Treasury Office.
May kabuuang P1,000,000 mula sa Special Education Fund ang ipinamahagi sa 1,000 estudyanteng naging kwalipikado matapos ang screening ng LSB staff.