Noong March 22, muling inimbitahan ng Public Information Office ang mga student journalist mula sa mga local high school upang makilahok sa kapistahan ng bayan sa pamamagitan ng pag-cover sa mga aktibidad bilang adisyunal na LGU media workforce.
Sa pulong na ginanap sa Municipal Annex Bldg. Conference Room, tinalakay ang mga nararapat gawin upang maging matagumpay ang nasabing coverage.
Kabilang sa mga dumating ang school organ adviser ng St. Vincent’s Catholic School of Bayambang Inc. na si Mr. Frank Brian S. Ferrer at student journalists ng “The Vincentian” at Bayambang National High School adviser Mr. Roy Allen O. Perez at kasamahang guro mula sa “The Leader” at “Ang Leader.”