NIA, Bumisita para sa Bayambang Pump Irrigation Project

Noong ika-22 ng Marso, bumisita ang National Irrigation Administration (NIA) ng Region I sa munisipalidad ng Bayambang para talakayin ang ukol sa Bayambang Pump Irrigation Project.

 

Naroon sa maikling pulong na ginanap sa Mayor’s Conference Room sina Mayor Niña Jose-Quiambao, Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, Executive Assistant Maria Concepcion Santillan, OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano, at Municipal Annie de Leon, at Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairperson, Dr. Rafael Saygo, at Municipal Engineer Eddie Melicorio.

 

Sa panig ng NIA, naroon sina NIA Region I officials Mr. Dennis De Vera at Mr. John Molano, at NIA-PIMO officials Mr. Harold Austria Jr., Ms. Jesselle Leaño, at Ms. Manilyn Villanueva.

 

Iprinisenta ni Ms. Villanueva ang detalye ng proyekto, kabilang dito ang bawat pagdaraanan ng tubig mula sa Brgy. Amancosiling kung saan nakalocate ang main canal patungo sa Brgy. Sapang.

 

Napagkasunduan na magkakaroon muna ng pulong ang NIA team kasama ang barangay officials at farmers ng mga piling barangay. Nasabi rin na magkakaroon ng survey para sa mga may-ari ng lupa at inspeksyon sa lugar para sa konstruksyon.

 

Ang naturang proyekto ay naglalayong matugunan ang isa sa mga problemang kinahaharap ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang, ang kakulangan sa supply ng tubig para sa mga pananim.