Noong March 21, nagbigay ng isang Free Basic Nail Care Training si Governor Ramon Guico III, sa pamamagitan ng Pangasinan Provincial Public Employment Services Office (PESO).
Naroon si Provincial PESO Manager Ma. Richelle M. Raguindin at kanyang staff at dalawang trainer mula sa TESDA. Sila ay sinalubong ni OIC MESO Gernalyn Santos at staff na si Dennis Flores.
May 50 na benepisyaryo ang nakilahok sa training, at sila ay mula sa KALIPI, solo parents, at VAWC victims.
Mayroon ding free meals at snacks at free nail care kit na ibinigay ang provincial government. Ang LGU-Bayambang naman ang sumagot sa venue, logistics, at LED at sound system.