Notice of Violation, Inihain ng ESWMO sa mga Barangay na Lumabag sa RA 9003

Ang ESWMO ay nag-iisyu ng Notice of Violation sa mga barangay na nahuhuling lumalabag sa RA 9003, base sa monitoring and evaluation activities ng tanggapan.

 

Ang nasabing mga barangay ay nakitaan ng violation ng chapter VI, Section 48, paragraph (1) ng RA 9003: “Littering, throwing, dumping of waste matters in public places, such as roads, sidewalks, canals, esteros or parks, and establishment, or causing or permitting the same.”

 

Ang bawat violator na barangay ay binibigyan ng direktiba na mag-comply sa pamamagitan ng pagsumite ng isang Action Plan upang matugunan ang reklamo.

 

Noong taong 2022, ang ESWMO ay nag-issue ng nasabing notice sa mga barangay ng Carungay, Alinggan, Idong, Langiran, Ligue, Magsaysay, Manambong Sur, M.H. Del Pilar, Poblacion Sur, Sancagulis, Telbang, Bical Norte, Cadre Site, Manambong Norte, Zone VII, Zone IV, Amancosiling Norte, Maigpa, Zone II, at Zone III.