Isinagawa ang unang pagpupulong ng Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) noong ika-17 ng Marso 2023 sa Municipal Conference Hall, sa pangunguna ng Municipal Administrator at MSWDO. Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga representante ng RHU, PNP, KALIPI, atbp.
Kabilang sa mga natalakay ang planong pagkakaroon ng isang Men’s Summit sa Hunyo kung saan tatalakayin ang mga maiinit na men’s issues, partikular na ang mga maling umiiral na pananaw na maaaring mauwi sa VAWC cases.