Libreng Gupit, Masahe, at Manicure/Pedicure, Handog ng LGU sa mga Kawaning Kakabaihan

Noong March 16, hinandugan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang mga kakabaihan ng LGU ng libreng serbisyo tulad ng haircut, back massage, manicure, at pedicure, bilang parte ng pagdiriwang ng International Women’s Month 2023.

 

Sa simpleng aktibidad na ito, na tinaguriang “Serbisyo Kay Juana,” ipinakita ng HRMO ang pagpapahalaga ng LGU sa maraming kakabaihang nagtratrabaho para sa kanilang pamilya.

 

Ayon kay HRM Officer Nora R. Zafra, ang mga libreng serbisyo ay naging posible sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc.