RHU I, Adolescent-Friendly Health Facility Level I

Ang RHU I ay nakatanggap ng Certificate of Compliance mula sa Provincial Health Office matapos nilang makumpleto ang mga requirement ng Department of Health para maging isang Adolescent-Friendly Health Facility Level I.

 

Ayon sa Municipal Health Officer, ang sertipiko na iginawad ng Provincial Health Office noong March 14, 2023, ay nagkukurpirma sa abilidad ng RHU na makatulong sa mga kabataan na maaaring mangailangan ng counseling services.