Noong March 14, nagsimulang magsagawa ang DSWD-RO1 at Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Bayambang Poverty Reduction Action Team at Agriculture Office ng isang orientation activity sa barangay para sa mga miyembro ng 4Ps na malapit nang magsipagtapos para mabigyan ng pagkakataon na mapili bilang benepisyaryo para sa isang Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Sila ay nagtungo sa Sanlibo, isa sa napiling tatlong priority barangay (Sanlibo, Hermoza, at Tanolong) upang hanapin ang 250 na qualified na benepisyaryo.
Ayon sa datos na nakalap ng DSWD-RO1, ang mga barangay na ito ay nakahanay sa mga poorest barangay sa Bayambang.