Noong March 14, tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang 300 bags ng hybrid yellow corn seeds mula sa “Corn Production Enhancement Project” ng Department of Agriculture Regional Field Office-1 (DA-RFO1).
Ang mga naturang buto ay nakatakdang ipamahagi sa mga rehistradong miyembro ng Corn Cluster Association.
Ang pagpili sa mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakabase sa Memorandum Order No. 6 s. 2023 mula sa ahensya. Ang mga seed recipients ay inaasahang magtatanim para sa second crop at off season ngayong taon.