NEDA, Dumating para sa Isang Consultation Visit

Noong ika-10 ng Marso, bumisita ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng Central Office-Regional Development Group sa Munisipalidad ng Bayambang para sa isang consultation visit.

 

Sa maikling pulong na ginanap sa Mayor’s Office sa pangunguna ni Atty. Rajini Sagarino Vidad kasama sina MPDO Ma-lene Torio, OIC Agriculturist Zyra Orpiano, at MENRO Joseph Anthony Quinto, tinalakay ni NEDA Assistant Secretary Greg Pineda ang kanilang layon na maintindihan ang lokal na ekonomiya sa barangay level upang makapag-generate ng mga trabaho at masuportahan ang national mid-term at long-term goal na “Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay” sa ilalim ng pambansang planong “Ambisyon Natin 2040.”

 

Matapos ang pulong ay ipinasyal ng LGU-Bayambang ang NEDA group sa Food Innovation Center ng PSU-Bayambang Campus upang makita ang mismong production at processing areas ng iba’t-ibang produkto ng Bayambang.