Patuloy ang ICT Office bilang pangunahing departamento sa pagsulong sa bayan ng Bayambang bilang isang “smart town.” Noong March 8-10, 2023, nagsimula na ng training ng next-generation system development ang tanggapan para sa pangatlong batch ng trainees.
Ang training na ito ay una sa isang serye ng pagsasanay na inoobliga ng ICTO sa kanilang mga staff upang itaas ang kahusayan ng mga kawani nito sa paggawa ng systems at applications. Kasama sa mga layon ng mga applications na ito ay ang mas mapabilis ang mga transaksyon sa lokal na pamahalaan, siguruhing tama ang mga impormasyon, at masunod ang tamang proseso.
Matatandaang ilan sa mga applications na nagawa ng ICTO ay ang Document Management System na siyang ginagamit ngayon ng LGU para sa paperless communications at ang Electronic Vaccination System para sa mabilisang paggawa ng vaccination status report na sina-submit sa DOH.
Kasama sa coverage ng next-generation system development ang web applications, cloud computing, integration of development and infrastructure operations, at data security.
Kasama sa magte-train ay si G. Lloyd Neil Perez para sa infrastructure integration at cloud computing at Kim Manoguid para sa database management.
Ang 3rd batch ng training ay pinangunahan ni G. Jezreel John Junio, Deputy Head ng ICT Office.