Dalawa na namang OFW na nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang amo ang tinulungang makauwi ng Municipal Public Employment Services Office, matapos makatanggap ng request for repatriation mula sa kanilang kaanak dito. Ang isang babae ay galing sa bansang Kuwait, at ang isa naman ay galing sa Malaysia.
Kaagad na nakipagcoordinate ang MESO sa Overseas Workers Welfare Administration at Department of Migrant Workers upang mabilis na maproseso ang papeles ng mga naturang OFW.