Noong March 9, naging host ang Bayambang ng quarterly meeting ng Local Youth Development Officers (LYDOs) of Pangasinan, na ngayon ay pinamumunuan ng LYDO ng Bayambang na si Johnson Abalos.
Ang pulong ay ginanap sa Niña’s Cafe, kung saan natalakay ang iba’t ibang role of LYDOs as mandated by law, at nagkaroon din ng National Youth Commission Lecture on LYDO as a Position at iba pang LYDO concerns.
Dumalo sa pulong na ito si Dr. Rafael L. Saygo bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao kung saan hinikayat niya ang mga LYDOs na mas mabigyang pansin pa ang ilang social issues na kinahaharap ng bawat kabataan gaya ng premarital sex, mental health issues at suicidal cases na kung saan humahantong ito sa pagkasira ng pangarap ng bawat kabataan.
Naroon din sa pulong sina Ms. Jean Venus Olarte RSW, Ms. Florence N. Berba YDO IV, at Ms. Leilani F. Bolivar, Social Welfare Officer III.