Bayambang, DSWD Regional GAPAS Awardee Muli!

Muling iginawad ng DSWD Region I sa bayan ng Bayambang ang GAPAS Award (o Gawad sa Paglilingkod sa Sambayanan Award) para sa kategoryang “LGU Implementing an Outstanding Sustainable Livelihood Program Microenterprise Development Model.”

 

Tinanggap ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang parangal sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa seremonyang ginanap noong Marso 9, 2023, sa Hotel Ariana, Bauang, La Union.

 

Ayon kay Atty. Vidad, limang munisipalidad lamang sa Rehiyon I ang nagawaran ng naturang parangal, at ang apat ay ang Alaminos, Pangasinan; Rosario, La Union; Dingras, Ilocos Norte; at Sugpon, Ilocos Sur.

 

Ang Bayambang ay dati nang provincial, regional, at national recipient ng naturang parangal, na kumikilala sa sistematikong suporta na ibinibigay ng LGU sa mga livelihood programs ng DSWD (na tinaguriang SLP) para sa mga 4Ps members at mahihirap na non-4Ps members, sa pagtutulungan ng DSWD-RO1, MSWDO, Bayambang Poverty Reduction Action Plan, at suporta ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation ng pamilyang Jose-Quiambao.