Ang DSWD at MSWDO ay nagsagawa ng dalawang araw na “Training of ERPAT Trainors” noong March 8 sa Aguinaldo Room ng Events Center.
Ang ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) ay isang programang naglalayong gawing modelo ang mga tatay sa komunidad sa paghubog ng isang loving and caring o mapag-alagang environment para sa kanilang mga asawa’t anak.
Dito ay naging resource person si DSWD Field Office 1 Chief Administrative Officer Melicio C. Ubilas.
Noong March 10 naman ay nag-umpisa nang umikot sa mga barangay ang ERPAT team, matapos nilang magtungo sa Brgy. Sapang upang magsagawa ng unang ERPAT session doon.