Ang Department of Agriculture Regional Field Office 1, sa pamamagitan ng Livestock Banner Program nito, ay nagconduct ng isang orientation ukol sa Community-Based Swine Production through Clustering and Consolidation Project noong March 8 sa Mayor’s Conference Room.Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P10,000,000, at naglalayong mas mapalawig pa ang produksyon ng baboy sa merkado.
Dumalo sa briefing na ito ang Municipal Administrator, Municipal Agriculture Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.