1Q NSED 2023 | Bayambangueñong Alerto, Ligtas sa Anumang Sakuna

Sa unang linggo ng Marso, nag-organisa ang MDRRMO, kasama ang PNP, BFP, BPSO, at Engineering ng isa na namang earthquake drill bilang pakikisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa first quarter ng taong 2023.

 

Sa pagkakataong ito, sumali ang lahat ng public at private elementary school at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, lahat ng daycare centers, at mga empleyado ng LGU-Bayambang.

 

Sa regular na pagsali sa earthquake drill, naiiwasan ang pagpapanic ng publiko at naeensayo ang lahat sa pagiging alerto at sa pagresponde ng tama kung sakaling may ‘di inaasahang pagyanig.