Committee Hearing, Isinagawa para sa SK Annual Budget at AIP

Nagsagawa ng isang Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ukol sa Sangguniang Kabataan (SK) Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) para sa Calendar Year 2023 noong March 2 sa SB Session Hall, sa pangunguna nina Committee on Rules, Laws, and Ordinances Chairman, Coun. Amory Junio, Committee on Youth and Sports Development Chairman, SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at Committee on Barangay Affairs Chairman, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista. Naroon din si Coun. Mylvin T. Junio.

 

Ito ay dinaluhan ng mga SK Chairman kasama ang iba pang mga Barangay Council members mula sa 77 na barangay na nauna nang nakapagsumite ng kanilang Annual Budget upang sagutin ang mga katanungan ng mga konsehal bago nila aprubahan ang naturang budget.