LGU, Dininig ang mga Hinaing ng BIBA ukol sa Stall Closures

 

Nakipagpulong noong February 28, ang mga miyembro ng Bayambang Integrated Business Association o BIBA at ilang establishment owners bilang tugon sa daing ng ilang miyembro ukol sa pagpapasara ng mga Public Market stalls na may matagal nang arrears sa renta.

 

Ang pulong ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, Legislative Bldg.

Ang mga market vendors at BIBA members ay pinangunahan ni BIBA President Younne Bautista, at sila ay hinarap nina Special Assistant to the Mayor (SATOM),

Dr. Cezar Quiambao; PNP-Bayambang Chief Rommel Bagsic, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; Executive Assistant Ma. Carmela A. Santillan; Social Economic Enterprise Head Joseph Anthony F. Quinto; OIC Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez; Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr.; Internal Audit Unit Head Erlinda Alvarez; Bayambang Public Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon; Municipal Treasurer Luisita Danan; at Business Process and Licensing Officer Renato Viloria. Naroon din si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Councilor Martin Terrado II bilang observer mula as SB.