Muling nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Road-Clearing Task Force sa ilalim ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, sa pagsasagawa ng operasyon alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-085.
Noong February 27, ginalugad ng BPSO, DILG, PNP, BFP, Engineering, SEE/Public Market, ESWMO, BPLO, RHU, at CSO representative ang kahabaan ng mga national road sa Brgy. Cadre Site, M.H. Del Pilar, Nalsian, Zone 1 (Quezon Blvd.), at Tamaro upang alisin ang iba’t-ibang obstructions gaya ng mga nakapark na sasakyan, talipapa, at iba pa.
Ang mga naturang bagay na nakabalandra sa daraanan at istrakturang wala sa lugar ang madalas nagiging sanhi ng disgrasya sa daan, bukod sa araw-araw na perwisyong dulot ng mga ito sa pedestrian, motorista, at trapiko.