Sa nagdaang mga araw, ang Municipal Assessor’s Office ay pinaalalahanan ang ating mga kababayan na magbayad ng buwis ng maaga upang maka-avail ng 20% discount hanggang katapusan ng buwan sa unang quarter (March 31).
Ipinapaliwanag nila na ang halaga ng binabayaran ng isang tao para sa kanyang real property ay nakabatay sa value ng naturang ari-arian nito.
Kasabay nito, sila ay nagsagawa ng appraisal of taxable at non-taxable property, titling of agricultural at residential lands, at declaration of real properties sa Brgy. Poblacion Sur.