LCPC 1Q Meeting, Tumutok sa Child-Friendly Local Governance Audit Requirements

Noong February 22, muling nagpulong ang Local Council for the Protection of Children sa pangunguna ni Councilor Benjie de Vera at ng Municipal Social Welfare and Development Office sa Mayor’s Conference Room. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro mula sa LGU, DepEd at iba pang national agencies, at CSO representatives, pati na rin ang mga representante ng mga kabataan. Dito ay tinalakay ang mga naging accomplishments ng iba’t ibang sektor upang isulong ang karapatan at kapakanan ng mga kabataan sa limang aspeto: Participation, Protection, Survival, Development, at Governance.

 

Naroon ang DILG/MLGOO upang imonitor ang compliance ng LGU sa lahat ng mga requirements patungkol sa Child-Friendly Local Governance Audit ng pamahalaan.