Bayambang, Nag-host ng 1Q Meeting ng Central Pangasinan PESO Managers

Napili bilang host ng 1st quarter PESO meeting ang Bayambang kung saan ang mga PESO Manager mula sa labing-isang munisipalidad sa Central Pangasinan ang dumalo. Sila ay mainit na winelcome ni Municipal Mayor Niña Jose-Quiambao kasama si Bayambang OIC PESO Manager Gernalyn Santos, sa Niñas Cafe noong ika-22 ng Pebrero.

 

Naging tagapagsalita sa naturang pulong sina Central Pangasinan Field Office Focal Person Panfilo Dioquino Jr., Senior Labor and Employment Officers Frederick Gaerlan at Rhodora Dingle na tumalakay sa iba’t ibang programa at proyekto ng PESO kabilang na ang TUPAD, SPES, at iba pa.

 

Naroon din si CPFO Head Agnes Aguinaldo na gumabay at sumagot sa ilang mga katanungan ng mga PESO Manager.