Noong February 20, ang Municipal Agriculture Office, sa tulong ng MDRRMO, ay naghakot ng apat na fish cage mula sa bayan ng San Manuel na ibinigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para magamit sa Langiran Lake. Ito ay parte pa rin ng proyektong muling pagbuhay sa inland fishery industry ng mga mangingisdang Bayambangueño.
Ayon kay OIC Municipal Agriculturist, mayroon nang naunang fish cages ang napick-up ng MAO sa San Manuel, at sa kasalukuyan, ito ay pinapakinabangan na, sapagkat mayroon itong 3,000 piraso ng tilapia breeders.